Posts

Showing posts from October, 2017

Adios mi Amor

Image
Boss, diyan lang po sa may tapat ng Fisher's Mall Yan ang pilit' kong sinabi kay manong na hapo na sa maghapon na pagta-trabaho.  Nakasakbit sa kanyang may kalamanang balikat ang ma-mantsang puting panyo.  Dama ko ang hinga niya sa bawat pihit ng manibelang may tastas na ang hawakan sa kalumaan.  Dinig ko... Dinig ko ang hunta niya, siya, siya nga.  Siya ang taong sumayang sa aking inialay na bulaklak.  Ang  nilalang na nagpapait sa tamis na taglay ng tsokolateng natutunaw sa aking pulang Nortpeys na Bag.  Wasak na rin ang alahas sa leeg na tanda ng ating pagsasama.  Dama ko! Damang-dama ko ang bigat ng aking dibdib na tila dinaig pa ang ilang toneladang karne na ibinabagsak sa mga sloter haws.  Ang bawat hininga ko at galaw ay sukat'.  Malalim, malamya, walang gana at hindi kapansin-pansin.  Dama ko ang nagbabagang init sa aking mga mata.  Ang pansamantalang paglisan ng sigla sa aking kata...

Hibas na!

Image
Hibas na! Hindi na kasing lungkot ng pagtahak ko dati ang kahabaan ng EDSA. Hindi na kasing panglaw ng pipit na nasa hawla. Hindi na nanlalabo ang mata bunsod ng mga luhang sa aking mata'y bumabalandra. Hindi na kaseng lungkot ng dapit hapon ang mga kataga. Marahil ako'y nasanay na sa mga naging bago sa akin. Akala ko datin hindi ko kaya, ang dami kong akala. Ilang buwan din yun na animo'y naging isang impyerno ang aking buhay. Matutulog akong pagod at gigising na mukhang batang inagawan ng laruan sa kalye. Hindi naging madali ang lahat, mahirap talaga. Mula sa pagkain na malimit na dati'y ika'y naalala, ngayong tila isang biro na lang na nakakatawa. Hindi na ko gaya ng dati na halos ikaw ang mundo ko na umiikot at  nagpapaikot ikot nito. Marahil nga nahilo na ako. Nagising ako sa kakaikot ko, sinampal ako ng katotohanang, " Huy, Putang Ina mo", ay may baliw ang tanga ko pala no. Sa totoo lang nahilo na pala ako. Sa pagpapabalik-ba...