Adios mi Amor

Boss, diyan lang po sa may tapat ng Fisher's Mall
Yan ang pilit' kong sinabi kay manong na hapo na sa maghapon na pagta-trabaho. 
Nakasakbit sa kanyang may kalamanang balikat ang ma-mantsang puting panyo. 
Dama ko ang hinga niya sa bawat pihit ng manibelang may tastas na ang hawakan sa kalumaan. 

Dinig ko...

Dinig ko ang hunta niya, siya, siya nga. 
Siya ang taong sumayang sa aking inialay na bulaklak. 
Ang  nilalang na nagpapait sa tamis na taglay ng tsokolateng natutunaw sa aking pulang Nortpeys na Bag. 
Wasak na rin ang alahas sa leeg na tanda ng ating pagsasama. 

Dama ko!

Damang-dama ko ang bigat ng aking dibdib na tila dinaig pa ang ilang toneladang karne na ibinabagsak sa mga sloter haws. 
Ang bawat hininga ko at galaw ay sukat'. 
Malalim, malamya, walang gana at hindi kapansin-pansin. 

Dama ko ang nagbabagang init sa aking mga mata. 
Ang pansamantalang paglisan ng sigla sa aking katawan. 
Animo'y isa akong robot nang araw na yun na pilit na tinitikis ang bawat kurot na nararamdaman. 

Kita ko!

Kita ko kung paano sumilay ang mga ngiti sa mga katabi ko sa sasakyan. 
Ang kanilang humahagalpak na tawa ay tila  isang tulang aking binabasa. 
Tahimik, walang kulay at hindi ko na rin maintindihan. 
Maingay sila ngunit bakit tila wala akong marinig. 
Naging bingi ata ako. 

Muling bumuka ang aking bibig!

Kuya! Hinto! Para! 
Dito na, dito na po kami. 
Itinabi ni kuya ang kanyang kumakalampag sa sasakyan sa ilalim ng lumang overpass. 
Bumaba kami!

Paghakbang ko sa may kalumaang tulay ay nakita ko ang dasto na may karamihan, 
tanda na marami na rin siyang pinagdaanan at marami rin siyang dinadala araw-araw. 
Kung gaano kadungis ang tuwalya ni manong ay halos ganun din kaamos ang bawat baitang ng hagdanan. 

Gumawa kami ng unang hakbang, hinawakan ko ang kanyang kamay na malambot. 
Kamay na dati-rati'y akin lamang. 
Pinunan niya ang espayo sa pagitan ng aking mga daliri. 
Naging mainit yaon, naging medyo malamig din dala ng hangin na humahampas sa pawis naming mga kamay. 

Batid ko na, alam ko ito'y huli na. 
Nakita ko na ang pintuan ng Hotel. 
Maraming tao na nakapila, nakita ko sila. 
Umupo lang ako sa sofa habang hinihintay ang susi na galing sa kanya. 

Bangabang ako, dala ang bag ko na puno ng mga suotin, libro at kung ano-anu pa. 
Pinagmamasdan ko siya habang naka-linya. 
Kita ko ang paghawak niya sa teleponong dati'y ni minsan ay hindi niya hinahawakan 'pag kasama ko siya. 
Putang ina talaga, puta!

Ayun eto na! Nasa loob na kami ng silid na may mumunting ilaw. 
Dalawa ang pintuan, purong puti ang kulay ng panapin sa paa, katawan at sa kama. 
Batid ko naman talaga, 
Batid ko na ito'y huli na. 

Tinanggal ko ang saplot niya habang bumabalong ang aming mga luha. 
Hinagkan ko siya ng may diin at bakas ng pamamaalam. 
Inenjoy namin ang gabi habang nag-aagaw ang sarap, lungkot at saya. 
Binuka ko ang aking mga labi dala ang salitang  "Mahal kita". 

Wala akong sagot na nakuha,
Oo, puta, alam ko na. 
Alam ko ng may iba na, hindi ako, hindi na ako ang sa kanya. 
Halos lumabas ang puso kong umiiyak sa balangot na laman nito. 

Umiyak ako!

Umiyak ako ng umiyak, nagmamakaawa 
Please, ulit, sa akin na. 
Ngunit wala na, naging isang pipi siya. 
Animo'y isang ibong Martines na hindi namumuna hangga't hindi pinuputulan ng dila. 

Wala akong tulog magdamag, ang dami kong iniisip nung gabi na yun. 
Na-o-OC rin ako sa finishes na hindi pantay na malapit sa aircon. 
Gusto kong tuwirin ang baluktot na linya.
Sobrang bigat talaga. 

Hinawi ko ang suot niyang pambaba at nakapa ang teleponong
halos walang tigil sa pag-vibrate sa dami ng phone call at mensahe. 
15 Missed calls at 15 messages received. 
Abala kang hayop ka!

Binuksan ko ang teleponong walang patid sa pag-ilaw. 
Pilit binuksan upang mensahe ay mabasa pero may password. 
May password na, na dati-rati'y wala pa. 
Nagbago ka na talaga, sa contacts yung bago mo ay nauuna pa. 

Umaga na pala!

Ako'y mamaalam na, suot ang aking walang plantsang polo at may amoy ng pantalon dahil ilang linngo ng walang laba. Sa hagdan kami'y bumaba na. 
Biglang tawag ng puting kotse sa may kanto banda. 
"Kuya, MRT tayo, halika na" sabay sabing "Mahal, paalam na"

Sa loob ng tren, dama ko pa lahat ng init, poot at sakit. 
Sa pagtunghay ko'y may liwanag na tumama sa aking mukha. 
Wari'y isang inang nagsasabing "Anak, gising na may pasok ka pa" 

#

Comments

Popular posts from this blog

Hibas na!