Hibas na!



Hibas na!

Hindi na kasing lungkot ng pagtahak ko dati ang kahabaan ng EDSA.
Hindi na kasing panglaw ng pipit na nasa hawla.
Hindi na nanlalabo ang mata bunsod ng mga luhang sa aking mata'y bumabalandra.
Hindi na kaseng lungkot ng dapit hapon ang mga kataga.


Marahil ako'y nasanay na sa mga naging bago sa akin.
Akala ko datin hindi ko kaya, ang dami kong akala.
Ilang buwan din yun na animo'y naging isang impyerno ang aking buhay.
Matutulog akong pagod at gigising na mukhang batang inagawan ng laruan sa kalye.

Hindi naging madali ang lahat, mahirap talaga.
Mula sa pagkain na malimit na dati'y ika'y naalala, ngayong tila isang biro na lang na nakakatawa.
Hindi na ko gaya ng dati na halos ikaw ang mundo ko na umiikot at  nagpapaikot ikot nito.
Marahil nga nahilo na ako.

Nagising ako sa kakaikot ko, sinampal ako ng katotohanang,
"Huy, Putang Ina mo", ay may baliw ang tanga ko pala no.
Sa totoo lang nahilo na pala ako.
Sa pagpapabalik-balik sa mga bagay na hindi ko na naman maibabalik.

Sa gitna ng hinagpis ay nangarap ako, maging isang mabuting tao at masigasig sa buhay.
Inubos ko ang lakas ko, inubos ko ito mga bagay na akala ko'y magpapaalis sa mga
nakaraang pilit na sumisisksik sa puso at isip ko.
Mabuti na lang talaga nahilo ako.

Hay, sa wakas hibas na ako.
Malinaw na ang tingin ko sa mgabagay-bagay kahit papaano.
Maliwanag na ang daan na binabagtas ko.
Ang dating atin ay naging akin
Ang dating tayo ay naging akin rin.

Wala na yung Good Morning mo, pero good pa rin naman yung morning ko.
Eh yung Good Night mo na halos umaalingawngaw palagi sa telepono ko,
wala na yun, maayos na rin ang gabi ko.

'wag kang mag-alala hindi ko binasa ang unan ko kakaiyak at kaiisip sa iyo,
yung panyo ko ipinantali ko yun sa puso kong pumipiglas sa naising bumalik sayo.
Itinali ko yun upang hindi na naman maka-alpas at dumako na naman sa iyo.
Ang galing ko, naturuan ko ang puso ko.

Binaklas ko na ito sa pagkakatali, ngayo'y animo'y tupa na siyang nakapirmi sa isang taong sa akin ay nagpapakabuti.

Oo, hindi ko pala nabanggit sayo, mayroon na rin akong bago kaya masaya na ako.


Comments

Popular posts from this blog

Adios mi Amor